Nang Magniig ang Kanluran at Silangan sa Paoay
Below is a paper by fellow heritage enthusiast, historian, and kapatir Michael Charleston "Xiao" Chua about our UNESCO World Heritage Site in Paoay, Ilocos Norte. Behold, published in his blog 20 December 2005, it's proudly written in Filipino.
NANG MAGNIIG ANG KANLURAN AT SILANGAN SA PAOAY
Ang Parokya ni San Agustin sa bayan ng Paoay sa Ilocos Norte ay masasabing isang pamanang arkitektural ng Kanluran at Silangan sa Pilipinas. Paano?
Nagsimula ang lahat para sa simbahan nang pasimulan itong ipatayo ng Agustinong si Padre Antonio Estavillo noong 1694. Natapos ito noong 1710 at muling inihandog sa Panginoong noong 1896, tatlong taon lamang bago mapatalsik ang mga Kastila dito sa Pilipinas. Ayon sa pag-aaral, ito’y itinayo sa ibabaw ng mga libingan ng mga sinaunang taga Paoay, upang magkaroon ng mas madaling paglilipat ng paniniwala ang mga taga-Paoay tungo sa Catolisismo sa pamamagitan ng pagtatayo ng simbahan sa isang itinuturing na sagradong lugar ng mga tao.
Ang impluwensya ng disenyo nito, tulad ng sa karamihan ng mga simbahang ipinatayo ng mga Kastila dito sa Pilipinas, ay ang Europeong Baroque at yari sa coral stone na madaling nakuha sa katabing baybaying dagat. Ngunit, dahil ang kinuhang maestro de obra sa pagtatayo ng simbahan ay isang Pilipino, nahaluan ng impluwensyang Asyano ang disenyo na makikita lalo na sa harapan ng simbahan—ang mga patusok na abubot sa itaas nito ay nagpapaalala sa iyo sa mga sinaunang mga gusali sa Java, Indonesia. Ang kinalabasan, ang pagniniig ng kultura ng silangan at kanluran.
Kapansin-pansin na ang simbahan ay mimistulang isang moog, tulad ng Intramuros. Ayon sa ilan, ito’y dahil nais ng mga Kastilang ipakita ang lakas ng bagong relihiyon. Ayon naman sa iba, ito’y dahil sa kumpetisyon ng mga nagtatayo sa pagandahan ng disenyo. Ngunit simple lamang ang sagot: Ang simbahan ay itinayo bilang isang moog na tatayo pa rin kahit sa pangyayari ng isang mapaminsalang lindol. Earthquake Boroque ang itinaguri ng eksperto sa Arkitekturang Kolonyal sa mga simbahan, si Alice Coseteng, sa simbahan ng Paoay. Dahil sa kakaiba nitong anyo at disenyo, ito’y itinuturing na pamanang arkitektural ng Pilipinas sa buong mundo bilang isa sa mga napiling World Heritage Sites ng UNESCO.
Subalit nakalulungkot isipin na nanganganib ang simbahan hindi lamang dahil sa kapabayaan, kundi dahil sa mga nagtatangkang i-restore ito.
Karamihan ng mga tao sa Paoay ay Aglipayano, kaya naman tila wala na silang pakialam sa kahihinatnan ng isang Simbahang Catolico.
Nasira ang dating disenyo ng looban ng simbahan sa mga pagtatangkang ayusin ang simbahan ng Pambansang Surian ng Wikang Pambansa at ng Kagawaran ng Turismo. Marami na ang naiba ang anyo at materyales tulad ng retablo at bubong. Ayon kay Regalado Trota José, ang kisame noon ng Paoay ay nagtataglay ng isang obra-maestrang may hawig sa nasa Kapilya ng Sistine sa Vaticano, hindi na ito ngayon makikita. Ang harapan ng simbahan, na pinakasikat na bahagi nito, ay nanganganib pa na tumumbang paharap.
Ang simbahan ng Paoay, bagama’t ipinatayo ng mga Kastila, ay isang dambana para sa mga kabababayan nating nagbuhos ng talento at pawis upang ito’y maitayo. Ito’y hindi lamang kayamanan ng Simbahang Catolico at ng mga Ilocano, ito’y kayamanan rin ng mga Pilipino. At ang kakaibang kayamanang ito ng pagsasanib ng kulturang Kanluranin at Silanganin ang pamana natin sa buong daigdig bilang isang bansa. Pagtulungan nating pangalagaan ang Simbahan ng Paoay! Ingatan natin ang ating kasaysayan! At nang mapakinabangan pa ng mga anak ng ating mga anak.
Ika-22 ng Marso, 2004
Mga Sanggunian:
Gaspar, Roger. “Earthquake Baroque: Paoay Church in the Ilocos” sa Philippine Real Estate Magazine, February-March 1996. Online, Internet. Available URL: http://www2.hawaii.edu/~gaspar/paoay.html.
Panayam kay G. Peter Allan Bontuyan, na nagkaroon na ng pag-aaral, bilang isang estudyante ng Arkitektura, sa Kolonyal na Arkitekturang Kastila sa mga bahay na bato at simbahan sa Ilocos, isa na nga rito ang Simbahan ng Paoay. Bulwagang Tirahang Yakal, Ika-20 ng Marso, 2004.

Inaalay kay G. Peter Allan Bontuyan, si KAPATIR, na kaisa ko sa mithiing magkaroon ng pinag-ibayong pagmamalasakit sa mga pamanang arkitektural at historikal sa ating bansa.
“You may say I’m a dreamer, but I’m not the only one…”-John Lennon, Imagine, 1970

No comments:
Post a Comment